Napabuntong-hininga si Rafael sa narinig. Samantalang pinagsawalang-kibo iyon ni Aeverie. Dahan-dahan siyang lumapit kay Drake na hanggang ngayon ay nakaluhod pa rin sa medyo basang sahig. Sinundan siya ng tingin ng kaniyang mga kapatid, tila nagbabantay sa maaaring mangyari. "W-why... W-why d-don't... You.. j-just k-kill... Me." Hirap na hirap nitong sabi nang tumayo siya sa harap ng lalaki. Dumudugo ang kilay nito dahil sa malaking sugat. Hindi na mabuksan ng maayos ang dalawang mga mata dahil sa pamamaga. Dumudugo ang ilong nito at halatang nabali ang nose bridge. Sugatan ang bibig, pumutok ang mga labi, na halatang napuruhan sa mga suntok. Ang buong mukha nito'y duguan at sugutan, imposible nang makilala sa isang tingin pa lang. Ngunit hindi siya makaramdam ng awa, bagkus, binalot siya ng matinding galit. "Your life is in our hands, Mr. If you cooperate with us, it's possible you'll live. And if you want to live, answer a few questions for me." Hindi na siya nag-aksaya n
Last Updated : 2025-10-11 Read more