“Maniwala ka, hindi ko itinulak sa hagdan si Alona, sinadya niya ang lahat!” “Enough, Tara! Kitang-kita ng dalawang mata ko ang lahat ng nangyari! Unbelievable! Talagang hindi ko lubos maisip na kaya mong gawin ito kay Alona! Look at her now, pasalamat ka at hindi namatay si Alona, dahil kung nagkataon, hindi kita mapapatawad.” Matigas at may diin na pahayag ni Vincent. Namumula na ang mukha nito dahil sa matinding galit. Mula sa nanginginig na katawan ay halata ang matinding pagpipigil nito na huwag siyang saktan. Ilang beses na bang nagpaliwanag si Tara? Pero hindi siya pinapakinggan nito. Sarado na ang isip ni Vincent at ngayon ay matindi na ang galit nito sa kanya. Marahas na nagtaas-babâ ang dibdib ni Tara. Nasasaktan siya sa ginagawang pang-aakusa sa kanya ni Vincent. Pero wala siyang magawa, kahit anong paliwanag ang sabihin niya dito ay mukhang hindi na siya paniniwalaan pa nito kaya mas pinili na lang muna niya ang manahimik. “Mananagot ka sa akin kapag hindi nagisi
Read more