“May kinalaman ka ba dito?” Walang patumpik-tumpik na tanong ni Vincent. Ang mga mata niya ay nakatitig sa mukha ni Tara, mababanaag mula don ang pag-aalinlangan na kumprontahin ang inaanak niyang si Tara. “For God sake Vincent! Si Tara ang nasa harap mo, ikaw ang lubos na nakakakilala sa babaeng ito. Ikaw ang nagpalaki sa kanya.” Kastigo niya sa kanyang sarili habang nakapako ang mga mata sa mukha ng dalaga. Subalit, tila bingi si Vincent, dahil sa totoo lang ay naipit siya sa sitwasyon na nasa pagitan ng awa at pag-ibig. Awa para kay Alona na iniisip niya na may puwang din ito sa kanyang puso. Ngunit, batid ni Vincent na mahal na mahal pa rin niya si Tara. Natigil ang mga kamay ni Tara sa pag-aayos ng mga damit ng bata nang marinig ang tanong na ito mula kay Vincent. Mula sa gilid ng kanyang mukha ay nasaksihan ni Vincent kung paanong masaktan si Tara. Subalit, bakit pakiramdam ni Vincent ay tila siya pa ang higit na nasaktan? Isang mabigat na buntong hininga ang pinaka
Read more