Mabigat ang loob ni Paul Tyler na umakyat sa ikalawang palapag ng bahay nila Athelios. Nang nasa bungad na siya ay bumulaga sa kanya ang nakaawang itsura ni Athelios. Nakaupo ito sa kama. Sapo nito ang sugata'ng panga habang katabi si Marie. Nang makita siya ni Athelios ay tumayo ito. "Sir, ano ginagawa mo rito?" takang tanong niya. "Nakita mo ba si Raine at Crassus?""Oo," malungkot na usal niya. "They looked very affectionate. I saw them kissing passionately. 'Yan ba ang sinasabi mo na walang nararamdaman, ha?"Kumunot ang noo ni Athelios. Iminuwestra niya ang dalawang kamay. "Huminahon ka muna," pakiusap niya rito."Tch? Huminahon?" Maanghang na sagot ni Paul Tyler. "Paano ako hihinahon? Nagpunta ako rito para sa kanya. I expected a good news. Kung alam ko lang na ganito ang bubungad sa akin eh di sana ay hindi na ako nagpunta rito. I look like an idiot. Don't you know that?"Tumayo si Marie. Napalingon si Athelios sa kanya. Nagtataka ang mga mata nito habang nakatitig sa mukha ni
Terakhir Diperbarui : 2025-05-12 Baca selengkapnya