Share

Chapter 189 -

Author: Aceisargus
last update Last Updated: 2025-05-12 23:52:44

Mabigat ang loob ni Paul Tyler na umakyat sa ikalawang palapag ng bahay nila Athelios. Nang nasa bungad na siya ay bumulaga sa kanya ang nakaawang itsura ni Athelios. Nakaupo ito sa kama. Sapo nito ang sugata'ng panga habang katabi si Marie.

Nang makita siya ni Athelios ay tumayo ito. "Sir, ano ginagawa mo rito?" takang tanong niya. "Nakita mo ba si Raine at Crassus?"

"Oo," malungkot na usal niya. "They looked very affectionate. I saw them kissing passionately. 'Yan ba ang sinasabi mo na walang nararamdaman, ha?"

Kumunot ang noo ni Athelios. Iminuwestra niya ang dalawang kamay. "Huminahon ka muna," pakiusap niya rito.

"Tch? Huminahon?" Maanghang na sagot ni Paul Tyler. "Paano ako hihinahon? Nagpunta ako rito para sa kanya. I expected a good news. Kung alam ko lang na ganito ang bubungad sa akin eh di sana ay hindi na ako nagpunta rito. I look like an idiot. Don't you know that?"

Tumayo si Marie. Napalingon si Athelios sa kanya. Nagtataka ang mga mata nito habang nakatitig sa mukha ni
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Judith Ganzan Ecaranum
thank you for the update sana bukas mayroon na
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 291- Undergarment

    "Kuya! Kuya! Pwedeng patulong?" Napatayo ang may kalakihan at may kataasan na sekyu. Kumunot ang noo ni Raine nang makitang bahagya pang yumuko ang sekyu sabay hawak sa sombrero nito."Ano po 'yon, Señorita?"Mas lalong nagulo ang utak niya. Akala pa naman niya ay sa villa at mansiyon lang ng mga Almonte niya maririnig ang tawagang iyon. Pati ba naman dito?Ganoonpaman, mas pinilit niya muna na balewalain iyon."Patulong po. I-iyong asawa k-ko kasi ano..." Nakagat ni Raine ang kanyang labi. "Papatulong po sana ako. Hindi ko po kasi kaya na naalalayan ng mag-isa. Hindi niya po kasi kayang maglakad.""Sige, nasaan po siya?" Takang tanong pa ng Sekyu."N-nasa kotse."Kumunot ang noo ng sekyu. Kumuha ito ng payong. Saka ito mabilis na umalis.Nalungkot si Raine. Pasalamatan niya talaga ng husto ang sekyu na ito. Nalagay sa alanganin ang pangangatawan nito dahil sa kapritso niya.Mabilis siyang sumunod. Inunahan niya sa paglalakad ang sekyu para i-guide ito kung nasaan si Crassus."Kuya.

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 290 - Sick

    Nagising si Raine pasado alas kuwatro ng madaling araw. Hindi kasi siya mapakali at panay mababaw lang ang kanyang tulog. Marahil ay dahil nakatulog siya kanina at gabi na nang magising kaya hindi pa siya masyadong makatulog. Idagdag na rin ang hindi pagkakaunawaan nila ni Crassus.Lumabas si Raine. Nagtungo siya sa sala. Uminom siya ng malamig na tubig at inubos ang laman ng baso. Napatitig siya sa sink.Bigla siyang napalingon sa glass door. Lumapit siya roon. Sinilip niya ang ang labas at katulad kanina, malakas pa rin ang ulan kahit malapit ng mag-umaga.Pero hindi roon napukaw ang atensiyon ni Raine. Maang napatingin siya sa isang pamilyar na kotse."Nandiyan ka pa rin?" Hindi makapaniwalang tanong ni Raine. "Bakit ba ayaw mo umuwi? Basa ka pa kanina—"Hindi na natapos ni Raine ang kanyang salita nang may maanalisa siya. Biglang nilukob ng pag-alala at kaba ang kanyang puso. Padarag niyang nilapag sa mesa ang babasagin na baso. Tumakbo siya papunta sa kwarto at sinuot ulit ang j

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 299 - Wedding ring

    Isasarado na sana ni Raine ang ilaw ng kwarto nang biglang may narinig siya na ingay sa labas. Natigilan siya. Bumangon siya at sumilip sa bintana ng kwarto.Biglang dumaan ang mabilis na liwanag sa kabilang gusali na galing sa kalangitan. Kasabay niyon ay umalulong ang napakalakas na kulog. Sa isang iglap, bumuhos ang napakalakas na ulan.Napaatras si Raine. Mabilis niyang sinarado ang bintana at inayos ang kurtina niyon. Tumakbo siya papunta sa sala at muling sumilip sa glass door."Lîtseng yan," malutong na mura ni Raine nang makitang nagpaulan si Crassus. Hindi man lang ito natinag sa kinauupuan nito. "Ano bang plano niya sa buhay? Ang maghanap ng sakit?" Nangangalaiting bulalas pa niya.Marahas niyang binaba ang kurtina. Pumadyak siya. Ikinuyom niya ang kanyang kamay at binato ng nakakamatay na tingin ang nasa baba ng condo.Mabigat ang loob na bumalik siya sa kwarto. Sa kanyang inis ay sinampal niya ang switch ng ilaw. Padabog siyang bumalik sa paghiga. Maging ang kawawang kumot

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 288- Waiting outside

    Mabilis na tinungo ni Raine ang pinto. Nagpadeliver kasi siya ng pagkain. Tinamad na siya magluto kaya umorder na lang siya. Bagaman alam ni Raine na isang delivery man ang nag-door bell ay hindi niya pa rin binuksan kaagad ang pinto. Sinilip niya pa rin ito sa peephole, at nang makompirma niya ang delivery man na nga ito ay saka pa niya binuksan ang pinto."Ma'am, delivery po," bungad pa ng delivery man na may edad na.Inabot ni Raine ang bayad. "Salamat po, Manong," ani niya sabay bigay ng pera.Ngumiti naman ito. Akmang tatanggapin na niya sana ang order nang magsalita si Manong."Ma'am, may isa ka po na delivery. Pinabigay po ng lalaki na nasa baba," ani nito sabay lahad ng paper bag.Kumunot ang noo ni Raine. Takang napatingin siya sa hawak nito. "Ho?" Para sa akin?""Opo, pinaabot po ng lalaki na nasa baba. Tanggapin ni'yo lang po."Tinitigan ni Raine ang hawak nito. "Sa'yo na lang po 'yan, Manong. Regalo ko po sa'yo.""Nako po, Ma'am. Huwag na. Baka ako pa ang malilintikan. Ku

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 287- Outside the condo

    Pabagsak na sinarado ni Raine ang pinto ng kanyang condo. Basta na lang niya hinubad sa kung saan ang suot niya na sapatos. Pagkatapos niyon at binalibag niya sa carpet ang bag niya. Saka itinapon ang sarili sa puting sofa.Malapit na magtanghalian pero hindi siya nakabili ng pagkain. Wala rin naman siyang gana pa para kumain. Naalibadbaran siya sa tuwing may makikita sa kanyang paligid. Sa tingin niya kung hindi siya iiwas ay baka panibagong away na naman ang makasalamuha niya. Quota na siya kay Tia at Crassus. Kung hindi lang siya naawa kay Tia kanina ay baka mas malala pa ang natamo nito.Kaya nga binalaan na niya ito kanina na pauwiin na lang. Kasi alam niya na anumang oras ay pipitik na ang kamay niya. Kaso ang bruha ay ayaw makinig. Sino ba naman siya para hindi mapikon? Sa dinami-dami ng pinagsasabi nito kanina ay sumabog na siya. Wala ng espasyo sa kanya para magtimpi.Pagkatapos ng nangyari ay mas ginusto na lang niya na umuwi. Ngitngit na ngitngit ang loob niya at nandidilim

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 286- Out of frustrations

    "Raine, stop!" Crassus hissed.Hinapit niya ang bewang nito at hinila. Nabitawan nito si Tia pero hindi niya inaasahan ang susunod na nangyari. Tinadyakan nito ang paa niya at humarap sa kanya. Saka siya nito sinampal.Parang nabingi si Crassus dahil sa lakas ng pagkakapalo nito."Isa ka pa," galit na wika ni Raine. Tinulak niya si Crassus. "Subukan mo pa ulit. May kahihinatnan ka sa akin."Saka niya binalingan si Tia. Nang makita nito ang galit sa kanyang mga mata ay dahan-dahan itong gumapang papaatras.Mabilis niyang hinabol si Tia. Then she gripped Tia's hair. Sa lakas ng pagkakasabunot niya ay muli itong napahiyaw dahil sa sakit. "Help!" Sigaw pa ni Tia.Ngumisi si Raine. Tinulak niyang ang ulo ni Tia. "Gusto mo na may tutulong sa'yo?" tanong niya pa. "Sige, pagbibigyan kita pero bago 'yan, danasin mo muna ito."Saka niya pinagpatuloy sa pagkaladkad si Tia. Hindi niya alam kung paano nangyari pero naging sisiw sa kanya na hilahin ito kahit na may kalakihan ang katawan nito. Sini

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status