Nakita ni Athelios na tinanggap ni Raine ang binigay na pera ng cashier. Doon pa lang nag-sink in sa utak niya kung ano ang nangyayari. Napangisi siya. Isang ideya ang pumasok sa kanyang isipan. "Bakit kaya isinauli niya? Bagay pa naman sa kanya iyong mga damit," komento ni Athelios habang nanonood sa ginagawa ng Ate Raine niya. Kumunot ang noo ni Marie. Sinundan niya kung saan ito nakatingin, at nang makita niya kung ano iyon ay mas lalo siyang nag-aalburuto sa galit. "Ano'ng ginagawa ng kapatid mo rito?" Bulalas pa ni Marie nang hindi na mapinta ang mukha. "Huwag ka ngang maingay," asik ni Athelios. Hinila niya si Marie sa gilid para magtago. "Huwag kang magpakita." "Bakit na naman?" tanong pa ni Raine. "Tsk. Sundin mo na lang ang utos ko," saad pa ni Athelios. Saka niya tinitigan si Raine. Nang makita ni Athelios na papalabas na sina Raine at Diana ay hinarangan niya ang mga ito. Pumagitna siya sa daan at nakapamulsang tinitigan si Raine. "Sana hindi mo na lang sinauli ang m
Terakhir Diperbarui : 2025-06-14 Baca selengkapnya