"Forte mo naman talaga ang lumandi para makuha ang gusto mo." Nagsalubong ang kilay ni Raine. "Ano'ng sabi mo?" Para maputol kaagad ang tensiyon sa pagitan nila. Ngumiti si Sasha. Sabay sabing," joke. Ikaw naman. Hindi na mabiro." Blangkong tinitigan ni Raine si Sasha. Naglapat ng mariin ang labi niya. Alam niyang pinapatamaan siya nito. Hindi lang ito makabwelo dahil nasa harap pa nila si Professor Xhun. Pero kung wala na siguro sa harap nila si Professor Xhun, baka nagmamaldita na ito sa harap niya. Dumaan si Sasha sa harap niya. Akala niya ay dadaan lang ito, pero nagulat siya nang binangga nito ang balikat niya. "Excuse me," ani pa nito sabay irap. Umupo ito sa harap ng mesa ni Professor Xhun. "Hello po, Teacher Xhun. Kukunin ko lang po iyong test result ko," sabi nito sa masayahing boses. Umasim ang mukha ni Professor Xhun. Ganoonpaman, kinuha pa niya ang papel nito. "Here." Nakangiting tinanggap ni Sasha ang papel. "Wow, 84?" Winagayway pa nito ang test paper. "Si
Last Updated : 2025-06-12 Read more