Hindi nakasagot si Raine. Nilaro niya ang kwelyo ni Crassus at napatitig doon. Napaisip tuloy siya. Paano kung gumaling na si Crassus. Babalik ba siya sa dating treatment nito? Kumunot ang noo ni Raine. "Nilalagnat ka na, iyan pa ang iniisip mo? Bakit hindi mo na lang eenjoy ang pagkakataon na 'to?" Isang beses na kumurap si Crassus. Mapungay na tinitigan niya si Raine Malungkot siyang ngumiti. "It's good to be true, Raine. Kaya natatakot ako na baka babalik na naman sa dati," pag-amin pa ni Crassus. Iniwas ni Raine ang kanyang mata. "Huwag mo ng isipin yan." Dahan-dahan siyang kumalas sa pagyakap nito. "Magpagaling ka muna. Saka na natin pag-usapan 'yan." Pinahiga niya si Crassus. Tahimik naman itong sumunod. Bumaluktot ulit ito. Pumasok si Raine sa kumot ni Crassus. Ibinuka niya ang braso nito at dumaus-us para roon at humiga. Sumiksik siya sa dibdib nito at yumakap. Manghang napatingin si Crassus. "Raine?" Pumikit si Raine. "Tulog na, Babe,"ani niya. Sinadya pa niyang i-em
Terakhir Diperbarui : 2025-07-31 Baca selengkapnya