เข้าสู่ระบบ“Ate.”Napalingon sina Raine at Diana kay Athelios. Lumapit ito sa kanila..“Nasa labas iyong asawa mo,” imporma ni Athelios. “Nasa gate. Ano'ng gagawin natin?”“Tch! Umismid si Diana nang marinig ang sinabi ni Athelios. Tumingin siya sa pinto. “Ang kapal ng mukha ah?” komento niya. “Pagkatapos ng ginawa ng Daddy niya?”Naglapat ng mariin ang labi ni Raine. Blangkong tinitigan niya ang kabaong na nasa harap nila.“Kung ayaw mo siya makausap, papaalisin ko na lang siya,” sabi ni Athelios.“Hindi,” malamig na wika ni Raine. Tumayo siya. “Dito ka na muna, Athelios. Asikasuhin mo ang mga bisita. Kakausapin ko lang siya.”“Pero…” protesta ni Diana.“Hindi si Crassus ang nagtulak kay Mama,” malamig na sabi ni Raine. “Pero hindi ibig sabihin niyon ay abswelto na siya.” Binalingan niya si Athelios at tinapik ang balikat nito. “Huwag kang mag-alala, hinding-hindi ako titigil hangga't hindi mananagot ang may sala.”“Salamat, Raine.” Ikinuyom ni Athelios ang kanyang kamay. “Itanong mo sa kanya
Bayad po,” ani ni Roberta na inabot ang bayad pagkababa ng tricycle. “Salamat.”Pagkakuha nito ng bayad ay sumibat na ang mamang tricycle. Lumingon si Roberta sa bahay nila Athelios. Kumunot ang kanyang noo nang makitang hindi pa siya masyadong malinis ang harap ng bahay.Napabuntonghininga si Roberta. Naglakad siya papunta sa pinto at kinatok iyon.“Tao po,” ani niya sabay katok. “Tao po.”Bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Maria. “Ikaw po pala, Ma. Mano po.”Hinaayan ni Roberta na magmano si Maria. Habang nagmamano ito ay sinipat niya ang loob ng bahay. “May ipapagawa ka ba sa bahay, Maria? Sabihin mo ng matulungan kita. May kilala ako na mga karpentero.”“Opo, iyong sa kwarto po sana namin ni Athelios. May butas po kasi ang kisame. Kailangan na palitan ng yero,” sabi ni Maria. “Iyong cr din po, ayaw na mag-flush.”Tumango si Roberta. “Saang banda ba?”“Dito po.”Inalalayan ni Maria na umakyat ng hagdan si Mama Roberta. Habang dahan-dahan silang umaakyat ay mas lalong nagbubunyi
Pagkaraan ng ilang araw, bumalik sa dating gawing gawi ang pamumuhay nila Raine. Bumalik na rin sa villa ang mga kasambahay kaya umalis na rin sina Victoria at Sergio noong isang araw. Ani ng mga ito ay babalik na lang sila sa La Costano— ang mansion na pagmamay-ari ni Lolo Faustino.Hindi sumama si Lolo Faustino, nagpaiwan ito sa villa ni Crassus. Naging pabor iyon kina Raine at Crassus para mas lalo nila ito matutukan at mabantayan. Nag-alala rin kasi sila dahil napapadalas ang problema na sumusubok sa pamilya nila.Naisipan ni Raine na sa garden na lang siya mag-rereview. Mas gusto niya ang ambience roon. Tahimik, presko, at maganda ang kapaligiran. Gusto niya iyong napapalibutan siya ng mga bulaklak habang nag-aaral. Kahit papaano ay nababawasan ang stress niya. Habang tumatagal ay mas lalong pahirap ng pahirap ang mga review nila kaya minsan sumasakit na ang kanyang ulo. Kung pwede lang kainin ang mga test paper para pumasok kaagad sa utak niya ang kanyang mga ni-rereview, baka m
“Crassus! Where is she? Ilabas mo siya!” gitil na sigaw ni Sergio sa gitna ng sala.Ikinuyom ni Sergio ang kanyang kamay. Luminga siya sa paligid, umaasang madidinig siya ng kanyang anak. “Crassus!”Sa isang banda, nagising Crassus dahil sa malakas na sigaw. Kumunot ang kanyang noo. Bumangon siya habang tinitigan ang pinto.Naalimpungatan si Raine. Kinusot-kusot niya ang kanyang mata at bumangon.“Crassus! Ilabas mo ang babaeng ‘yan!” Gigil na sigaw ni Sergio.Natahimik ang mag-asawa. Parehong nagulat ang mga ito. Pinakiramdaman nila ang pagsisigaw ni Sergio. Sinipat ni Raine ang wall clock, nagsalubong kanyang kilay nang makitang alas kuwatro pa lang ng madaling araw.“You stay here,’’utos ni Crassus. Tumayo siya at kinuha ang kanyang roba na nakasabit sa sandalan ng upuan. “Huwag kang magpakita sa kanya.”Tumango si Raine. Tinanaw niya si Crassus na mabilis na lumabas ng kwarto. Napapitlag si Raine nang marinig niya'ng sumigaw ulit ang Daddy ni Crassus. Hindi siya nakatiis. Bumango
Tahimik na ang bahay subalit ang isip nila Crassus ay nag-iingay pa rin. Nakahiga na sila ni Raine sa kama at walang ni isa sa kanila ang nangahas na magsalita. Pareho silang nahulog sa malalim na pag-iisip. Tinitigan ni Crassus ang kisame. Inunan niya ang kanyang kaliwang braso nang biglang lumapit sa kanya si Raine. Umunan ito sa kanyang dibdib. “Ano'ng iniisip mo?” malambing na tanong ni Raine. Humarap siya kay Crassus at tinitigan ito habang ang kanyang baba ay nakadantay sa dibdib nito. “Kanina ka pa tahimik.” Bumuntonghininga si Crassus. Pinagmasdan niya si Raine. Masuyo niya'ng hinaplos ang buhok nito. “Too many to mention,” Crassus said with a weak smile tugging at his lips. His tired eyes lingered on her for a moment before he spoke again. “What about you? You seem lost too.” “Hindi naman.” Bumangon si Raine. Piniko niya ang kanyang tuhod at niyakap iyon habang nakatitig kay Crassus. “Iniisip ko lang iyong nangyari kanina.” Natahimik si Crassus. “Ganoon ba kalala ang me
"Shut up!" Sergio hissed. "Let me through! I'm gonna kill that bîtch!"Napatda si Raine sa narinig. Binalingan niya ang kanyang mama. Tinapunan niya ito ng isang nagtatanong na tingin."Raine," Crassus said. Isinenyas niya ang pinto habang pinipigilan ang kanyang Daddy. "Go."Hindi umimik si Raine, at mas lalong hindi siya gumalaw. Nalilito siya sa nangyayari. Gusto niya pa sana magtanong pero mas lalong nagwawala si Sergio. Talagang nanggigigil ito dahil hindi makalapit sa kanyang ina."Go!” Crassus yelled as he grabbed and restrained his father, desperately trying to stop him from going after her.Biglang sumigaw si Sergio. Napaigtad sila Raine. Tinulak na rin nito si Crassus subalit hindi ito nagpapatinag. Tumakbo si Scott papunta kina Raine. "Raine, let's go."Walang magawa si Raine kung hindi sumunod kay Scott na giyahin palabas ng villa si Mama Roberta. Dinaanan nila sila Crassus. "Ako na ang maghahatid kay Tita," presenta ni Scott.Naglakad sila pa
"Raine, Raine, listen."Napatingin si Raine sa mga mata ni Crassus. Hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi."Listen," Crassus said. "I don't blame you—not even for a moment. I never did. All I want is for you to be okay. Maybe the baby it's really not meant for us. Baka hindi pa ito ang
Napaawang ang labi ni Raine. Kumikibot pa iyon dahil gusto niyang magsalita pero wala siyang maalapuhap na salita. Nahihirapan siyang sumagot kay Crassus. Noong nag-aaway sila ni Crassus. Nawala na sa isip niya ang pag-inom ng pills. Kampante rin kasi siya dahil hindi na sila nag-sesèx ni Crassus.
Alas diez na nang gabi pero hindi pa magawang matulog ni Raine. Lumalalim na ang gabi pero hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Kanina pa siya nakatunganga sa garden ng villa. Naglalakbay ang kanyang isip at tuliro.Pagkatapos siyang ihatid ni Crassus kanina ay nagmamadali na itong umalis. Na para
Hindi sumagot si Dr. Bianchi. Tinitigan lang niya ng makahulugan si Raine.Si Raine naman ay biglang natuliro. Hindi niya alam kung dapat ba siyang kabahan o hindi, pero base sa nakikita niya na naging reaksiyon ng Doktor; parang gusto niyang lumabas ng clinic. Gusto niyang lumabas para hatakin pap







