Crassus entered the security code to access Raine's condo unit. Pagkatapos niyang itipa ang mga mumero ay kusang bumukas ang pinto. Tumabi siya para bigyan ng espasyo ang mag-ina para pumasok. Napaawang ang labi ni Roberta nang makita ang magandang condo. Napahawak siya sa kanyang dibdib sabay lingon kay Raine. "Sa'yo to, nak?" Hindi makapaniwalang bulalas ni Roberta. Napakamot ng ulo si Raine. "Parang gano'n na hindi Po." Kumunot ang kanyang noo. Napatingin siya sa paligid. "Akala ko ba sa'yo to?" "Yes, bigay ko po 'to sa kanya," sabat ni Crassus sa usapan. "Labas muna ako. Kakausapin ko lang iyong security sa baba." Tumango si Raine. "Sige," sagot niya. Tinanaw ng mag-ina si Crassus habang tinatahak nito ang daan palabas. Nakadungaw naman si Kien sa pinto. Nang makalabas na si Crassus ay kaagad sumunod si Kien sa amo nito. "Raine, magsabi ka nga." Napalingon si Raine sa kanyang Mama. "Po?" "Talaga bang bigay niya itong condo na ito? O baka naman nanghingi ka?" Mabilis na
Last Updated : 2025-10-18 Read more