"Raine, Raine, listen."Napatingin si Raine sa mga mata ni Crassus. Hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi."Listen," Crassus said. "I don't blame you—not even for a moment. I never did. All I want is for you to be okay. Maybe the baby it's really not meant for us. Baka hindi pa ito ang panahon para magkaanak tayo."Suminghot si Raine. Huminga siya ng malalim at muling umiyak. "P-pero Crassus." Humikbi siya. "Ang hirap tanggapin."Paanong nawala sa isang iglap ang anak nila? Pabaya ba talaga siya? Oo, wala pa talaga sa plano niya ang magkababy, pero kung may nabuo talaga, bakit hindi pa niya tatanggapin ang baby? Oo, magiging sagabal iyon sa mga plano pero hindi ibig sabihin niyon ay wala na talaga siya gusto.Mabilis na pinahid ni Crassus ang namumuong luha sa mga mata ni Raine. "Kaya sinabi ni Alessandro na kailangan mong magpatingin sa OB. Kasi nakunan ka," saad pa ni Crassus. Tumikhim siya. "Forgive me if I kept it as a secret. Alam ko kasi na magugulat ka. Nat
Last Updated : 2025-10-04 Read more