"Raine, matagal akong na-ospital. Imposible iyang sinasabi mo," ani ni Roberta sa nagdududang tingin.Hindi makatingin si Raine sa kanyang Mama. Inayos niya ang kumot nito. Kumunot ang noo ni Roberta. "Raine?"Napalunok si Raine bago magsalita," po.""Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko," saad pa ni Roberta. "Saan ka kumukuha ng pera? Ang laki ng bills ko. Nagtanong ako kay Dr. Riacrus. Sabi niya, nabayaran mo raw ng buo ang bills ko nitong nakaraang buwan. Ang laki no'n, nak. Saan ka kumukuha ng perang pambayad?"Kinagat ni Raine ang kanyang labi. "Ma..." sambit niya. Umupo siya gilid ng kama at humarap sa kanyang Ina. "M-may ipagtatapat lang sana ako."Napataas ang kilay ni Roberta. "Ano iyon, nak?"Bumuntonghininga si Raine. "M-may asawa na po ako."Namilog ang mata ni Roberta sa narinig. Alam na niya ang tungkol sa bagay na iyon. Sinabi na ni Crassus sa kanya pero ang marinig mismo mula sa bibig nito ang katotohanan, hindi niya pa rin maiwasang magulat.
Last Updated : 2025-09-18 Read more