Geraldine's Point of View* Tapos na kaming kumain at hinawakan ni Xavier ang balikat ko. "I won't tell anyone about this. This is your life and your decision. We will support you whatever happens." Napakagat ako sa labi ko at niyakap si Xavier. Wala pa akong desisyon kung ano ang pipiliin ko. Kailangan kong maplanuhan ang lahat baka isang araw mamumulat ako sa katotohanan na ang lalaking minahal ko ay ang mortal ko pa lang kalaban. Dahil baka isang iglap iiwan ko na lang siya... Damn, kumirot na naman ang puso ko dahil sa iniisip ko. "Ayos ka na ba? Yung paa mo?" "Ayos na. Malalakad ko na." "Hatid na kita sa sasakyan mo. Papara na ako ng taxi. Malayo layo na kasi kung ihahatid mo pa ako pabalik sa gym." "Okay, thank you, Xavier." Lumakad na kami at hindi pa din naman maayos ang paglakad ko pero okay okay na din naman kahit papaano palabas ng vip room. "Okay ka lang ba? Sana hindi mo pinilit ang sarili mo para hindi ka masaktan." "Eh gusto ko eh. Okay na ito sa susunod." N
Last Updated : 2025-02-28 Read more