Geraldine’s Point of View Ang ingay sa buong gym ay parang kulog na unti-unting lumalakas. “Sino siya?” “Kasali ba siya sa Phantom Group?” Hindi nila ako kilala, and that was exactly what I wanted. Mas maganda nang manatili akong misteryoso. Sa dami ng naglalaro dito, ako lang ang tumayo sa gitna na parang wala lang nangyari. Ako lang ang hindi hingal. Sa harap ko, mga magiging kalaban ko ngayon na basang-basa ng pawis, may pagod sa mga mata, pero may apoy pa rin sa loob. May isang lalaki na mukhang buo ang loob, tumakbo palapit sa akin at sumigaw habang hinahataw ng dagger ang gilid ko. Mabilis siya. Pero mas mabilis ako. Umiwas ako, paikot ang katawan, hinawakan ang pulso niya mid-swing, tapos ginamit ko ang momentum niya para ihagis siya sa sahig. Bumagsak siya nang malakas. Tumahimik ang lahat. “Nice try,” sabi ko, walang kaba. “Pero kulang, ibigay mo pa ang makakaya mo.” Napalunok ‘yung iba. Kita ko sa mata nila na ngayon lang nila nakita sa akin ang other side ko at na
Terakhir Diperbarui : 2025-05-12 Baca selengkapnya