Geraldine's Point of View* Nararamdaman ko pa rin ang labi ni Mike na nasa leeg ko nang may naramdaman akong may paparating kaya agad ko siyang natulak at alam ko na naramdaman din niya 'yun. Pero imbes na ayusin namin ang pag-upo namin ay mas lalo niya akong niyakap na parang ayaw niya akong bitawan. "Jusko! May tao na paparating, hubby." Napatingin naman siya sa akin pero napa-smirk lang siya. "Let him see us." "Huh?" Biglang bumukas ang pintuan na kinatingin ko roon. Oh my god! Nakakandong ako kay Mike ngayon. Hinawakan niya ang likod ng ulo ko at pinasandal sa leeg niya. Eh? Problema ng lalaking ito? "P-Princess." Natigilan ako hindi sa boses na narinig ko kundi sa pagtawag sa akin ng princess. At isa pa may kaunting pamilyar ang boses niya. Gusto ko siyang tingnan pero nasa ulo ko pa rin ang kamay ni Mike na parang ayaw niya akong ipatingin sa taong 'yun. "Muller, what are you doing? I want to see my cousin. Princess, Gerry, naalala mo pa ba ako? Please, look at me."
Terakhir Diperbarui : 2025-04-29 Baca selengkapnya