Leonora’s POVSa tuwing magpapaalam ako kay Drack na pupunta ako sa kompanya ni Dad, hindi niya alam na ang totoo’y aalis ako para sa training ko kasama si Kuya. Sa loob ng ilang linggo, naging parte na ng routine ko ang pag-iiba ng direksyon ng mga yapak ko—mula sa pagiging simpleng asawa at ina, patungo sa pagiging isang potensyal na mandirigma."Focus, Leonora," mariing sabi ni Kuya habang hawak ko ang isang baril.Huminga ako nang malalim. Mabigat sa loob kong gawin ang mga bagay na ito, pero mas mabigat ang ideyang baka isang araw, mawala sa akin si Drack o ang mga anak ko dahil hindi ako handa. Kaya kahit nanginginig pa ang kamay ko, pinilit kong maging kalmado.Bang!“Good shot,” ani Kuya habang tumango. “But next time, don’t pull your shoulder back. Stand your ground.”Tumango ako at pinahid ang pawis sa noo ko. Halos araw-araw, ganito ang ginagawa namin—basic combat, disarming, strategy, self-defense, at kung minsan ay shooting practice. Hindi man ako kasing bilis ni Kuya o k
Last Updated : 2025-07-02 Read more