Leonora’s POV“Nay Marta, asan na po pala yung mga gulay na kinuha natin nung isang araw?” tanong ko habang naghanap sa kusina. Magluluto sana ako ng pang-umagahan namin — aalis rin ako maya-maya, baka sakaling makita ko si Drack.“Naku, iha, naubos na. Nanghingi kasi si Marites, yung kapitbahay natin. Dadating daw kasi yung alaga niyang anak ng mayaman galing Maynila. Kaya ayon, binigay ko na lang sa kanya. Bakit pala, may lulutuin ka ba?” sagot ni Nay Marta habang nag-aayos ng mesa.“Gano’n po ba? Sige po, kukuha na lang ulit ako sa hardin niyo,” sabi ko sa kanya sabay ngiti.“Sige, iha. Kumuha ka na rin ng kalabasa ha? Alam mo namang paborito ko ’yon,” natatawang sabi ni Nay Marta.“Walang problema, Nay. Kukuha po ako… hahaha,” sagot ko rin habang tumatawa.Palabas na ako ng bahay nang mapansin ko ang isang itim na van na huminto sa tapat ng bahay ni Aling Marites. Napahinto ako sandali at napatingin.‘Talagang mayaman nga ang inaalagaan ni Aling Marites... oh well, I think Drack’s
Last Updated : 2025-09-05 Read more