"Ano 'yon?" Ani Hector na halos papikit na sa pagod. "Kasi kanina, may nangyari..." at kinuwento ni Yen ng kumpleto ang naganap kanina. "Si Sonny Logroño na bodyguard natin, nagawa ang famous moves ni Master Luis Logro?" Tumango-tango si Yen. "Sa totoo lang, matagal na akong nagma-martial arts, pero hindi pa ako nakakatagpo ng kasing galing ni Master Logro at kayang gawin ang mga niya. Kahit pa sinabi niya na expert lang siya roon, parang hindi pa rin ako makapaniwala. Parang may mali or may kakaiba." "Anong pinagdududahan mo?" Tanong ni Hector, medyo pansin niya rin talaga na may kakaiba roon sa bodyguard na si Sonny. Kumunot ang noo ni Yen, "Malaki ang suspetsya kong may koneksyon ang isang iyon kay Master Logro." "Akala ko ang sasabihin mo ay siya si Master Logro at nagdidisguise na bodyguard dito. "Sa totoo lang boss, naisip ko na po 'yan, palagay ko siya 'yon. Pero inalis ko iyon sa isip ko, paanong mag-aabala siya rito, e siya ang pinaka-bodyguard ng sikat na si Sc
Last Updated : 2025-08-08 Read more