Gusto rin naman iyong makita ni Caius, pero... "Hayaan na lang muna natin. Kapag nahuli tayo at nagalit sa atin si Scholar T. Walang halong biro. Kapag nangyari iyon, paniguradong magagalit rin sa atin ang mga sikat na pamilya sa bansa. Hindi na nila tayo papansinin. Lalo na si Scholar T, na pinakaboss nilang lahat." "Sa tingin ko ay hindi naman makitid ang utak ni Scholar T. Kahit nandito tayo, hindi naman siguro siya magtatanim sa atin ng sama ng loob. Isa pa, hindi naman natin siya dinumog ng basta-basta. Tabi lang tayo rito at sumulyap-sulyap para silipin si Scholar T. Ingat lang tayo para hindi tayo mahuli." Halata sa reaksyon ni Caius ang pagtutol. Nakita iyon ni Quina, kaya umabrisyete agad siya sa braso ni Caius at patuloy na hinihimok ang binata gusto niyang mangyari. "Caius, babe, h'wag ka na mag-alala, hindi talaga tayo mapapahamak rito. Ang mahalaga rito, alam natin na simple lang si Scholar T, kaya madali natin siyang makikilala dahil paniguradong napakasimple lang
Terakhir Diperbarui : 2025-08-11 Baca selengkapnya