Nagulat si Sabrina nang nagsalita si Adrian sa kanyang tabi. Muntik pa niyang mabitiwan ang hawak na kutsara sa isa niyang kamay dahil sa gulat. Ilang saglit lang at nakabawi siya at nilingon ang binata sabay inirapan. “Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Sabrina. Lumapas naman ang kanyang mga mata sa ikaapat na mesa mula sa kanila kung saan kitang-kita niya kung paano nanulis ang bibig ni Anne. Napansin rin niya ang upuan na katapaf ni Anne na nandoon ang bag ni Adrian. “Bakit masama bang lapitan ang girlfriend ko?”Muli itong inirapan ni Sabrina kaya sinipa siya ni Alex sa ilalim ng mesa bilang pagpapaalala sa kanya na ayusin ang pakikitungo kay Adrian dahil baka hindi siya nito dalhin sa U.S. “Pero bakit nga bigla ka na lang ssumulpot dito? Kanina lang katabi lang namin ‘yung mga poging batam-bata pa, ah?”Muling sinipa ni ALex si Sabrina pero hindi ang dalaga ang tinamaan niya kundi si Adrian kaya napataas ang kilay ng huli at tiningnan si Alex. Napatakip naman ng mukha si Alex
Last Updated : 2025-05-14 Read more