Kung gusto mong isama kita sa U.S., please lang mag-behave ka Sabrina. Baka mamaya kung anu-ano na naman ang sasabihin mo sa gitna ng lunch,” pagpaalala ni Adrian kay SAbrina.Matipid na ngumiti si Sabrina sa binata at nagwika, “Salamat sa paalala. Hindi na ako makialam sa kung anong meron ang pamilya niyo.” Agad siyang tumayo para balikan si Amor. “Babalik na ako kay Tita Amor baka hinahanap na ako.”May sasabihin pa sana si Adrian pero mabilis nang nakaalis si Sabrina kaya hinayaan na lamang niya. Saka na niya sasabihin kung may pagkakataon sila ulit mag-usap.Pagdating sa kusina, nadatnan ni Sabrina si Amor na ginagabayan ang mga katulong para ihanda na ang mesa para sa kanilang pananghalian. Napansin ni Sabrina na halos mamahaling pagkaing-dagat ang inihanda.“Tita, ‘di po ba allergic kayo sa seafoods? Bakit halos yata ng iniluto ay seafoods,” puna ni Sabrina kay Amor.“Paborito nina Ramon at Adrian ang seafoods kaya ‘yan ang mga pinaluto ko,” tugon naman ng ginang.Dumating ang p
Huling Na-update : 2025-05-06 Magbasa pa