Kinabukasan, nakatanggap ng mensahe si Adrian mula kay Mr. Black. Nakasaad sa mensahe nito ang address kung saan dating nakatira ang kapatid ni Sabrina. Ayon pa dito, ito lamang ang kanyang maitutulong dahil ito lamang ang impormasyong kanyang nakalap. Hindi niya alam kung doon pa ito nakatira sa address na ibinigay sa kanya.“Pupuntahan natin bukas nang maaga. May gagawin pa ako,” wika ni Adrian pagkatapos ibigay kay Sabrina ang address kung saan nakatira ang kanyang kapatid ayon sa informant ni Mr. Black. “Walang problema sa ‘kin. May pupuntahan lang din ako saglit mamaya habang busy ka sa gagawin mo.”Kagaya nang napag-usapan nila, umalis si Sabrina para bumalik sa mall kung saan sila nakakuha ng isusuot niya sa forum na dinaluhan niya kasama si Adrian. Pagdating sa mall, agad siyang dumiretso sa shop. Sinalubong agad siya ng tindera na nakaharap nila nang nagdaang araw. Tila natatandaan siya nito. “What can I do for you, Ma’am?” Maaliwalas ang mukhang tanong nito sa kanya. “Uh
Last Updated : 2025-10-16 Read more