Wala siya sa sarili, o mas tamang sabihin na hindi niya kayang tumingin sa binata. Hindi niya kasi ito inaway, o pinagsabihan sa ginawang pananamantala sa kanya. Dapat magalit siya rito, pero hindi niya magawa. Pagkatapos siya nitong halikan at himas-himasin ang kanyang katawan ay para siyang naengkanto. Hanggang ngayon ay dama niya ang mapusok na halik nito sa labi niya, ang mainit na labi at hininga nito sa leeg niya, at ang mapangahas na basang dila nito sa leeg at pisngi niya. Kung hindi pa nga siya binuhat nito para tumakas ay hindi siya matatauhan. “Kumain ka na, Miss Val. Baka lumamig na ito.” Tumingin siya sa inihaw na mais na inabot nito sa kanya. Nasa isang kubo sila ngayon sa gitna ng gubat. Dito muna sila mananatili ni Kiki hanggang mag umaga para masiguro na ligtas na sila sa mga humahabol sa kanila. Malayo ito sa bayan, at walang kabahayan sa paligid, ni wala silang nakita ni isang bahay na may tao, ang tanging nakita nila ay itong nag iisang kubo sa gitna ng gub
Last Updated : 2025-05-19 Read more