“Ako inlove? Kalokohan! Bakit naman ako maiinlove sa lalaking ‘yon, eh bukod sa gwapo ay wala naman ibang kagusto-gusto don!” ‘Ilang beses ka niyang niligtas, remember?’ Ani nh isang bahagi ng utak niya. “No! Hindi ko siya gusto, period!” Hindi na niya hinintay na mag uwian. Umalis agad siya para umuwi. Gusto niya tuloy sisihin ang secretary niya. Kung ano-ano kasi ang mga sinabi sa kanya. Kung ano-ano tuloy ang naiisip niya. “Ma’am, may dumating kanina para ihatid ito. Galing daw ito kay Atty.” Kinuha niya ang envelope na inabot sa kanya ni Aling Dalia. Mga dukumento ito na naglalaman ng ibang assets ng magulang niya. Habang tinitingnan niya ang mga dokumento na pinadala sa kanya ay panay ang buntonghininga niya. Wala dito ang utak niya kundi nasa binatang gumugulo sa isip niya. Ano kaya ang ginagawa nito ngayon? Magkasama kaya ito at si Fyang? “Shit!” Mura niya ng makitang lukot na ang mga papel na hawak niya. Hindi niya namalayan na napadiin pala ang hawak niya s
Last Updated : 2025-06-04 Read more