Hinaplos ni Kirk ang pisngi nang natutulog na dalaga. Damn. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi sila malalagay sa ganitong sitwasyon. Pero bakit imbes na mabahala at mag alala sa kalagayan nila ay natutuwa siya na makasama ito sa ganitong sitwasyon? It feels like he was glad to trapped with her in this place. Siguro ay dahil nasosolo niya ito ng walang ibang tao.Nang masiguro na tulog na si Valeria ay kinumutan niya ito at nilagyan ng unan para maging kumportable bago niya ito iwan.Halos ilang kilometro din ang nilakad ng binata bago narating ang ilang malalayong kapitbahay. Nang makita ng mga ito si Kirk ay bumati ang mga ito sa binata.“Oh, Kiki, ikaw pala. Kamusta na kayo ng asawa mo? Nagkaayos na ba kayong dalawa?” Usisa ng isang may edad na lalaki. Ito ang may ari ng kubo na kasalukuyang tinutuluyan ng dalawa. “Ano ka ba, Juan. Sa tingin mo ba ay nandito pa sila kung nagkaayos na sila? Mukhang nagmamatigas si misis. Ikaw naman kasi, iho. Ano ba ang ginawa mo para magalit ang as
Last Updated : 2025-05-21 Read more