Inis na binato ni Jaymark ang cellphone matapos makatanggap siya ng mensahe sa abogado ng kanyang ama na mamayang hapon ang dating ng anak ni Rey . Akala niya matatagalan ang mga ito sa paghahanap . ''mamayang hapon darating ang anak ni Rey '' saad nito sabay upo sa sofa . '' ipaghahanda ba natin ng magandang welcome party ang apo ni papa ?" tanong Marie sa asawa nito . Kung siya ang masusunod hindi niya gustong pag aksayan ng oras ang apo ng Don . Nagisip muna si Monarch kung ano nga ba ang gagawin .Kung bibigyan niya ng welcome party ito at doon babasahin ang lastwill baka malaman ng lahat ang tungkol sa maliit nilang mamanahin . ''kahit dinner nalang hapon lang naman sila pupunta. Wala akong panahon i welcome ang apo ni papa ,nakakabanas '' napahalikhik si Marie sa sagot ng kanyang asawa . Wala nga talaga silang mood mag welcome sa taong hindi naman nila kilala . ''ngayon ba babasahin ang lastwill ni lolo para sa kanya ?" tanong ni Brix habang ang fiance nitong si Irene a
Last Updated : 2025-04-20 Read more