"GOOD job, everyone. Thank you for your hard work. Keep it up, okay?""Doc, kapansin-pansin ang kakaibang ningning sa mga mata mo ngayon."Naitago ng suot na facemask ni Jade ang mabilis na pamumula ng kanyang mukha. "Masaya lang ako. Ganito naman lagi kapag successful ang operasyon, 'di ba?""May ekstrang kutitap ngayon, doc.""Oo nga po, doc. Hindi kaya iyan ay dahil sa lalaking halos araw-araw bumibisita sa 'yo rito?"Napangiti si Jade. Mahigit dalawang linggo na rin silang nagkakapalagayan ng loob ni Miko. Alam na alam na nito ang kanyang shedule sa trabaho. At dahil resident doctor siya sa ospital, madalas na nagkikita lang sila sa canteen para sabay kumain habang nagpapalitan ng kuwento.Sa mga araw naman ng pahinga niya o offdays, namamasyal sila sa labas. Wala silang madalas na plano, nagkakayayaan na lang sila. Kung saan nila maisipan na pumunta, pupuntahan nila. Magkasundo sila sa halos lahat nang bagay.Masaya sila kapag magkasama. Palabiro at masayahin si Miko. Ang persona
Terakhir Diperbarui : 2025-08-16 Baca selengkapnya