''KUMAIN pa kayo. Marami pa sa kusina.''''Ma, akala ko ba kunti lang ang inihanda niyo?''Ngumiti si Alona at marahang tinapik ang kamay ni Amira. ''Hindi puwedeng kaunti lang para sa nag-iisa kong anak na babae.''''I love you, Ma.''''I love you more, My Mika.''''Gusto ko ang pangalang iyan, Ma.''''Of course. Ang mama ko ang nagbigay sa 'yo ng pangalan na iyan. Kaya ikaw ang naging pinakapaborito niyang apo.''Napatingin naman ang lahat kay Lola Tasing nang marinig nila ang munting ingay sa bibig nito na nagpapahiwatig nang hindi pagsang-ayon nito sa sinabi ni Alona.''Kung hindi sana siya nakialam noon, Chevrolet sana ang naging pangalan mo.''''Ma, bumawi ka na lang sa mga apo mo sa tuhod!'' wika ni Pablo.''Lola, okay lang po sa amin ni Yeonna. May SUV na kami.''''Wala ring problema sa amin ni Amira,'' saad ni Hardhie.''Pumayag na ba ako?''''Hindi ba?''''Papayag lang ako kung sa bawat bigay niya ng pangalan ay tutumbasan niya rin ng bigay ng sasakyan.''Natawa ang lahat ma
Terakhir Diperbarui : 2025-08-09 Baca selengkapnya