HUMIHINGAL man, pero nakangiti silang naupo sa puting-puting buhanginan ng pampang. Matagal-tagal ding pagbabad sa tubig ang kanilang ginawa. At bukod sa paliligo ay nagpasawa rin sa ilang water sports higit ang nauusong windsurfing at parasailing. It was frightening, but having each other side by side, they enjoyed it instead."Isn't it nice?"Nakangiting tumango si Jade. "Perfect. Mabuti na lang naisipan nating pumunta rito. This is indeed a paradise. Nakaka-relax at nakakawala rin ng mga alalahanin sa buhay.""Ano bang mga inaalala mo sa buhay?""Just this and that. Well, mostly pala ay family.""Family oriented ka."Umiling si Jade. "It's a long story.""Huwag mo nang ikuwento kung magiging uncomfortable ka lang"Nginitian lang ni Jade ang binata."Anyway, when was your last time na makapunta sa ganitong kagandang lugar?""Ang huling bakasyon ko, five years ago. It's in Cebu.""Ang tagal na, ah?""Yeah. Most of my time laging trabaho at bahay lang. Minsan sumasama rin sa mga out-o
Terakhir Diperbarui : 2025-08-19 Baca selengkapnya