All Chapters of AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK: Chapter 101 - Chapter 107

107 Chapters

CHAPTER 89.2

Bigla namang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Lyca nang tila ba parang naramdaman nya ang malamig na titig ni Andrei sa kanya. Unti-unting nawala ang ngiti sa labi nya at saka sya tumayo. “Aakyat na muna ako para magpalit ng damit,” sambit ni Lyca. “Sasama ka ba?” tanong niya kay Dean habang mahinang tinapik ang braso nito. May mga ekstrang damit sa bahay ng pamilya Lopez na tiyak na kasya kay Dean. Ilang araw din kasi na tumira roon si Andrei dati kaya may naiwan siyang mga damit doon na halos kasya naman kay Dean. “Dito ka na lamang para matapos natin ang video na ito,” malamig na sabi ni Andrei kay Dean at hindi na nya talaga napigilan ang sarili na sumabat nang marinig nya ang sinabi ni Lyca. Dahil maraming sikreto ang nakalagay sa cellphone ni Dean ay hindi niya pwedeng basta-basta na lamang iwan ang kanyang cellphone sa pamilya Lopez para kumuha ng litrato o video. Kaya naman ngumiti na lamang si Dean kay Lyca, saka sya kumaway rito. Agad naman na nakuha ni Lyca a
last updateLast Updated : 2025-05-02
Read more

CHAPTER 90

Hindi lubos maisip ni Trixie kung bakit ito nangyayare sa kanya. Akala nya matapos na maghiwalay nina Andrei at Lyca ay wala ng posibilidad na magkatuluyan pa ang dalawa. Pero sa nakikita ngayon ni Trixie ay tila iniisip pa rin nga ni Andrei si Lyca. Hindi nya akalain na matapos ng lahat ng ginawa nya ay bakit parang si Lyca pa rin ang nakikita ni Andrei. Kinuha na nga niya ang lahat ng meron ito. Kinuha na nya ang koneksyon. Kinuha na rin nya ang alaala ng pinakamamahal nitong babae na matagal ng nakabaon sa puso ni Andrei. Kinuha na nya ang lahat at pinalitan na nya ito kung saan sya naman ang magiging bida sa buhay ni Andrei. Pero parang ang lahat ng ginawa nya ay nabalewala lang lahat dahil hanggang ngayon ay parang si Lyca pa rin ang pinahahalagahan ni Andrei. Si Andrei na tinitingala ng lahat ay parang biglang naging ordinaryong tao dahil kay Lyca kaya naman hindi mapigilan ni Trixie ang magalit nang husto kay Lyca dahil sa kanyang mga iniisip. “Talaga bang gusto ni Andr
last updateLast Updated : 2025-05-03
Read more

CHAPTER 91.1

Mukha namang tamad na tamad na si Dr. Paolo. Makikita sa mga mata nito ang sobrang pagod. Marahil ay dahil sa kagagaling lamang nito sa dalawang operasyon at hindi pa ito nakakapag pahinga man lang. At dahil sensitibo ang pang amoy ni Lyca ay amoy na amoy talaga niya ang disinfectant na tila nakakapit na sa katawan ni Dr. Paolo. Napatingin naman si Dr. Paolo sa gawi ni Dean at kalmado lamang niya itong tiningnan saka nya muling ibinaling ang tingin nya kay Lyca. “Anong nangyari sa ’yo?” tanong ni Dr. Paolo kay Lyca. “Ako na lamang ang titingin sa ’yo. Bilang kuya mo ay nag-aalala rin ako sa ’yo,” dagdag pa ni Dr. Paolo. Napakumot naman ang noo ni Dean dahil sa narinig nya na sinabi nitong ‘kuya’ dahil hindi nya alam kung magkapatid ba talaga ang mga ito o baka naman hinahangaan lamang nya itong kuya o baka naman sadyang malambing lamang ito kay Lyca kaya kuya na ito kung ituring nito. Bahagya namang naningkit ang mga mata ni Dean habang nakatingin kay Dr. Paolo, at tila ba binaba
last updateLast Updated : 2025-05-04
Read more

CHAPTER 91.2

Sa sandaling lumingon si Dean ay nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. Ang kanyang malamig na mga mata ay tila naging mas matalim at puno ng iritasyon at hindi maipaliwanag na kalungkutan. Nakaramdam bigla ng inis si Dean. Kaya naman kinuha niya ang isang sigarilyo at inilagay sa pagitan ng kanyang mga daliri at sinubukang sindihan ito upang pakalmahin ang kanyang sarili. Pero ng makita na niya ang apoy mula roon ay agad na rin naman nya itong pinatay. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Dean. Bigla nyang naalala na hindi nga pala gusto ni Lyca ang amoy ng sigarilyo. “Tsk. Hindi na nga pala ako magsisigarilyo,” sabi ni Dean sa kanyang sarili at saka nya ibinalik sa kanyang bulsa ang lighter at ang kahon ng sigarilyo na iyon. Maya-maya naman ay may lumapit kay Dean na isang matipunong bodyguard na nakasuot ng kulay itim na damit. “Master gusto nyo po ba na sundan ko si Manager Lyca at Dr. Paolo?” magalang na tanong nito kay Dean. “Huwag na. Hindi naman na ka
last updateLast Updated : 2025-05-05
Read more

CHAPTER 92.1

Tahimik na nag-angat ng kanyang tingin si Lyca at ang malamig niyang mga mata ay dumapo kay Dr. Paolo. "Kasal na ako at buntis ako sa anak namin ni Andrei. Kailangan kong ipanganak ang batang ito at palakihin siya," sabi ni Lyca kay Dr. Paolo at ang bawat salita niya ang galing sa kaibuturan ng kanyang puso. "Marami ang nanliligaw sa akin. Oo, gusto nila ako, pero sino ang nakakasigurado na hindi sila magbabago sa oras na malaman nila ang tungkol dito? At kung sakalin man na hindi sila magbago at tanggap nila, tiyak na ang mga pamilya naman nila ang tututol. Ang bata na nasa sinapupunan ko ay magiging tinik sa kanilang mga mata. Kahit ipanganak ko siya ay baka hindi siya mabubuhay nang matagal,” sabi pa ni Lyca at ang kanyang boses ay nanatiling malamig. Parang may kumurot sa puso niya sa huling salitang binitawan. Tahimik lang naman na nakikinig si Dr. Paolo sa mga sinasabi ni Lyca at ramdam nya na nangangamba rin ito para sa batang nasa sinapupunan nito. “Alam ko na mag-aala
last updateLast Updated : 2025-05-06
Read more

CHAPTER 92.2

KINAGABIHAN ay naisipan naman ni Lyca na pumunta sa isang bilihan ng mga mamahaling relo sa mall. Agad naman niyang nakita ang isang relo na babagay kay Dean. Isang relo na may red gems at may disenyong red fox na nakangiti at mukhang tuso. Nang makita niya ito ay agad nyang naalala si Dean sa unang tingin pa lamang niya sa relo na may ganung disenyo. Si Dean kasi, isang tuso at madulas na lalaki. Pagkatapos bumili ni Lyca ng regalo nya para kay Dean ay agad na rin siyang umuwi sa kanyang condo. Pagkarating nya roon ay agad naman nyang nakita ang matalik nyang kaibigan na si Althea na mukhang kanina pa naghihintay sa kanya. Nang mapansin naman ni Althea ang pagdating ni Lyca ay agad na ngasiyang lumapit sa kanyang kaibigan. “Yca, totoo ba na gusto mo talagang makasama si Dean? Kalat na kalat na ang balita na iyon. At ang lahat ay sinasabing may relasyon daw kayo,” agad na sabi ni Althea kay Lyca. Halata mo naman sa mukha ni Althea ang pag-aalala para sa kanya bilang kaibigan.
last updateLast Updated : 2025-05-07
Read more

CHAPTER 93.1

Pagkatapos sabihin iyon ay agad na rin na umalis si Lyca roon. Ang receptionist pala na kausap ni Lyca ay may nakalagay na bluetooth headset sa isang tenga at napagtanto lamang niya ito matapos umalis si Lyca sa kanyang harapan. “Kanino ko raw ibibigay ang sulat na ito?” tanong ng receptionist sa kanyang sarili habang nakatingin sa pinapabigay na sulat ni Lyca. Abala kasi sya kanina sa pakikinig ng kanta kaya hindi na nya napagtuunan ng pansin ang sinasabi ni Lyca kanina. “Para kaya ito kay Mr. Andrei? Malapit si Manager Lyca kay President Andrie, kaya siguradong ipapaliwanag nya ang tungkol sa kaso ng mga Ocampo. Siguro ang sulat na ito ay paliwanag nya tungkol doon,” sabi ng receptionist na iyon sa kanyang sarili. Pero nababahala pa rin ang waiter, dahil baka nga magkamali rin sya. Kaya naman agad na lamang nyang tinawagan si Joshua upang ireport dito ang nangyari. Nang matanggap naman ni Joshua ang tawag na iyon ng receptionist ay bahagya siyang nalito. Pero tulad ng receptio
last updateLast Updated : 2025-05-08
Read more
PREV
1
...
67891011
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status