"Hindi ako ang naglagay ng gamot sa inumin mo noong gabing iyon. Oo, inisip kong magpakasal sa 'yo pero gusto kong pag-usapan ito nang maayos—gamit ang kasal bilang paraan para ayusin ang kasunduan, hindi para gumamit ng ganung kasuklam-suklam na paraan para mapasakin ka nang wala kang alam. Kung tutuusin ay pwede ka naman sanang magpadala ng tao para alamin ang mga nangyari noon. Pero hindi mo kailanman pinaniwalaan ang paliwanag ko. Gusto mo lang isipin na napakababa ko, isang hamak na babae sa paningin mo,” sabi pa ni Lyca kay Andrei. Tatlong taon na ang nakalipas at masyadong magulo noong gabi na iyon. Si Andrei ang pumasok sa kanyang silid at inangkin ang katawan niya, hindi dahil sa tinukso niya ang lalaki kaya nauwe sila sa kasal. Mula pa man noon ay manilis ang konsensya niya. "Andrei, hindi kita kailanman sinaktan,” sabi pa ni Lyca at habang seryoso niyang tinitigan si Andrei, pero may naaaninag siyang kakaibang lungkot sa mga mata nito. "Pero bakit paulit-ulit mo na lang a
Last Updated : 2025-05-24 Read more