Mag-log inMabilis na bumaba ng sasakyan si Lyca at nagmamadaling pumasok sa gate ng mga Sandoval, ngunit bigla na lang siyang hinarang ni Dean. Nagulat siya sa presensiya ng binata pero kalaunan ay hinayaan niya ito. Kailangan niyang makausap si lolo Andres niya tungkol sa kanyang ina. Tinalikuran niya si Dean at mabilis na tumakbo papasok sa loob ng mansyon. Ramdam niyang nakasunod ito sa kanya at tinatawag ang pangalan niya. Pero bigla siyang napahinto nang bumungad sa kanya sa sala ang duguan na mukha ni lolo Andres. Si Andrei na nakatutok ang baril sa nakadapang si Arthur. Si Robert naman ay nakatutok ang baril kay Andrei pero nang makita siya nito ay biglang ibinaling sa kanya ang hawak nitong baril. Naestatwa siya sa kinatatayuan niya ganun din si Dean sa likuran niya. Nagtama ang mga mata nila ni Andrei pero muli itong nag-focus kay Robert. Nagngingitngit sa galit ang kalooban ni Lyca. Ang taong akala niyang ama niya, ang taong minsan niyang nirespeto ay isang demonyo pala. Hala
ANDREI “Ako na ang papasok sa loob. Maiwan na muna kayong dalawa rito sa kotse,” wika ni Andrei kay Dean at Joshua. Alam na rin ni Josh ang nangyayari at sinabi na niya rito habang nasa biyahe sila kanina. Kita niya rin ang galit sa mga mata ng lalaki lalo pa at malapit din ito sa lolo Andres niya. “Pumayag ka pang sumama ako pero iiwan mo lang naman pala rito sasakyan,” iritang sabi ni Dean at tinapunan siya ng matalim na tingin. “Hindi sa ganun, Dean. Saka na kayo pumasok kapag parating na si Geo,” aniya at kinalas ang seatbelt. “Beside delikado ang gusto mong mangyari. Sa ngayon ako na muna,”dagdag pa niya bago lumabas sa kotse. Kita pa ni Andrei ang pagtiim bagang ni Dean dahil labag sa loob nito ang maiwan sa kotse. Alam niyang tulad niya ay gigil na gigil na rin si Dean na sunggaban si Robert at Arthur, pero hindi pwedeng masira ang plano niya. “Oh, my dear pamangkin, Andrei,” buti naman at nandito ka,” ngising demonyo ang bungad sa kanya ni Arthur pagpasok niya sa sal
“Pareho lang tayo na gustong protektahan si Lyca, Dean,” wika ni Andrei. “At kahit anong mangyari ay poprotektahan ko ang asawa ko,” aniya at diniinan ang huling salita. Tumawa naman ng pagak si Dean na tila nang-aasar. “Asawa? Kailan mo pa naging asawa ang babaeng hiniwalayan mo na? Pagkatapos mong makipag-divorce sa kanya ay may gana ka pang tawagin siyang asawa,” dagdag pa nito. “Hindi totoo ang divorce paper. Palabas lang iyon para mailayo ko siya sa kapahamakan,” aniya. Nangunot naman ang noo ni Dean sa sinasabi niya. “Kilala ko si Robert, at alam ko na hindi niya totoong anak si Lyca. Kaya ganun na lang kung tratuhin niya ito. Matagal ng plano ni Robert na ang anak niyang si Trixie ang ipakasal sa akin, pero si Lyca ang gusto ng lolo Andres ko. Dahil si Lyca ang mahal ko. Pero hindi tumigil si Robert para pahirapan si Lyca. Kaya nagdesisyon akong mag-file ng fake divorce paper na akala nila ay totoo. Iyon ay para linlangin lang sila at para tigilan na ni Robert si Lyca. Akala
CHAPTER 111 "Pinalayas mo si Lyca, kaya mo ipinasok ang sarili mo? Kung ikaw ang nasa sitwasyon ay maaari pa bang tawaging matibay ang isang tatsulok kung nakulangan kami ng isa?" puno ng panunuya ang tono ni Geo nang sabihin nya iyon kay Trixie. Namula naman bigla ang mukha ni Trixie at nabalot ng hiya. "Hindi ko sinasadya na sirain ang relasyon ninyo. Nasa kumpanya pa rin naman si Lyca at siya na ngayon ang direktor ng project department. Hindi ba't isang malaking hakbang ito para sa kanya?" sagot ni Trixie kay Geo. "Tanga ka ba talaga o nagkukunwari lang na walang alam?" tila naiinis na sabi ni Geo sa babae, kasabay ng maanghang niyang salita. "Bilang chief secretary at assistant ni Mr. Andrei ay halos kasing antas ko na ang mga direktor ng iba't ibang departamento at kung hindi man ay higit pa sa kanila. Si Lyca ay kahit inilipat sa project department ay ipinakita lang na may promosyon sa pangalan nya pero sa totoo lang ay isa iyong demotion,” dagdag pa ni Geo. Hindi na naman
“Ano ba ang gusto mong sabihin?” kunot noo na tanong ni Andrei kay Trixie. Nang mapansin naman ni Trixie na para bang iniiwasan siya ni Andrei ay napabuntong-hininga na lang siya. “D-Drei m-maaari mo ba akong pabalikin sa kumpanya mo?” kandautal pa na tanong ni Trixie kay Andrei. “A-Alam ko naman na nagkamali ako. Alam ko na hindi para sa kapakanan ng kumpanya mo ang mga ginawa ni Michael. Sa simula’t sapul ay ito na talaga ang plano nya ang mahulog tayo sa patibong,” dagdag pa ni Trixie. Paano nga ba ito nalaman ni Trixie? Matapos na alukin si Trixie ng oportunidad ng kabilang kumpanya ay nagsagawa pa ang mga ito ng panibagong pagsusuri. At doon nalaman ni Trixie na kung matutuloy ang kasunduan kay Michael ay napakalaking halaga ang ilalabas ng mga Sandoval at wala pa itong kasiguraduhan kung mababawi pa ba ito nang buo. Kung hindi maayos ang operasyon at nagkamali sila ng hakbang ay maaaring ma-freeze ang working capital ng kumpanya dahil sa maling pamumuhunan. At iyon ang mag
Siya si Geo, ay isa sa mga taong pinahahalagahan ni Andrei. Mas malalim ang koneksyon nilang dalawa kumpara kina Joshua at Lyca. Maaaring sabihin na ang posisyon ni Geo ay kapantay sa mga senior executive. May bahagi rin siyang pagmamay-ari sa kumpanya dahilan upang lalo pang lumakas ang impluwensya niya. Sa mga nagdaang taon dahil sa presensya nina Lyca at Joshua ay madalas na nasa labas ng bansa si Geo upang makipag-negosasyon. Kaya naman ay bihira lang siyang makita sa opisina. Tulad ni Andrei ay malamig ang kanyang ugali. Ang tanging mahalaga sa kanya ay kakayahan at interes yun lang at wala nang iba pa. Noong unang pumasok si Lyca bilang sekretarya ay hindi niya ito pinapansin. Ni hindi nga niya nito tinatrato bilang bahagi ng kumpanya. Hanggang sa makipag-negosayon si Lyca sa isang kasunduan sa ibang bansa—naging matagumpay ito at doon pa lamang ito natanggap ni Geo. Sa katunayan ay siya mismo ang nagrekomenda kay Lyca na maging punong sekretarya ni Andrei. Sa paglipas ng pa
"Dean alam mo ba talaga ang ginagawa mo?" kunot-noo na tanong ni Trixie kay Dean at ang kanyang boses ay puno ng galit at sama ng loob. Pakiramdam niya ay may bumabara sa kanyang lalamunan at parang sasabog ang kanyang dibdib. Ang sakit sa kanyang puso ay umabot na sa sukdulan. Akala niya ay wal
Nanatili lamang na kalmado si Lyca , sa kabila nang nakikita niyang galit sa mukha ng kanyang ama. Isang banayad na ngiti ang nakapaskil sa kanyang labi at tahimik na nakatingin sa kanyang ama na si Robert. Makikita naman sa isang tabi si Trixie na bahagya ring nakangiti at nakataas pa ang isang k
Nakabalik na pala sa kumpanya ni Andrei ang half sister niya. At bakas sa mukha nito ngayon ang saya at pagmamayabang. Ang paraan ng mga tingin nito kay Lyca ngayon ay parang tumitingin siya sa isang asong ligaw. Malamig naman na tinitigan ni Lyca si Trixie na walang bahid ng anumang emosyon.
Nananatiling nakatitig ang mga mata ni Andrei kay Lyca na tila ba hinihintay niya ang sagot nito. Isang mahinang tawa ang pinakawalan ni Lyca bago ito nagsalita. “Kung gusto mo, syempre walang problema. Pero kung gusto mo talaga ng ganung klase ng pen ay kailangan mong maghintay nang kaunti pa,”







