Siya si Geo, ay isa sa mga taong pinahahalagahan ni Andrei. Mas malalim ang koneksyon nilang dalawa kumpara kina Joshua at Lyca. Maaaring sabihin na ang posisyon ni Geo ay kapantay sa mga senior executive. May bahagi rin siyang pagmamay-ari sa kumpanya dahilan upang lalo pang lumakas ang impluwensya niya. Sa mga nagdaang taon dahil sa presensya nina Lyca at Joshua ay madalas na nasa labas ng bansa si Geo upang makipag-negosasyon. Kaya naman ay bihira lang siyang makita sa opisina. Tulad ni Andrei ay malamig ang kanyang ugali. Ang tanging mahalaga sa kanya ay kakayahan at interes yun lang at wala nang iba pa. Noong unang pumasok si Lyca bilang sekretarya ay hindi niya ito pinapansin. Ni hindi nga niya nito tinatrato bilang bahagi ng kumpanya. Hanggang sa makipag-negosayon si Lyca sa isang kasunduan sa ibang bansa—naging matagumpay ito at doon pa lamang ito natanggap ni Geo. Sa katunayan ay siya mismo ang nagrekomenda kay Lyca na maging punong sekretarya ni Andrei. Sa paglipas ng pa
Last Updated : 2025-11-01 Read more