Ayan na... alam na ni Jessa. Haha...
“The views are soaring high…” imporma ni Nikias sa mag-asawa nang bumalik na ang mga ito sa adjacent room ng conference room. “Thanks to you!” Nakangiting sabi ni Zylah kay Nikias. Kasunod ay naupo siya sa tabi ng asawa sa pahabang sofa. “And Jessa ang Bryce’s reaction?” interesadong tanong ni Austin kay Nikias. “Dapat masaya sila.” He grinned. “Ang sabi ng mga tao ko na naroon ay nagliligpit na ang mga hotel staff kasi maagang natapos ang wedding party. In fact ay maraming ganap na nakakatuwa habang naka-live kayong dalawa kanina. At sabi pa ay…”“Ay ano?” natatawang tanong ni Austin. Nasa mga mata ang excitement malaman kung ano ang naging reaksyon nina Jessa at Bryce. “Nasorpresa na ba sila?”“Maybe mas maganda papuntahin ko na lang dito ang mata ko sa function hall kanina.” Tinawagan ni Nikias kasunod ang tauhan at sinabing puntahan sila. “Mas maganda kung sa kaniya rekta natin malaman ang reaksyon ng mag-asawa.”Hindi nagtagal ay pumasok ang isang babae na kanina ay nagpapangg
Muling nilingon ni Bryce ang asawa na nasa mukha ang galit sa kung anong pinapanood. Kasal nila pero inuuna pa yata nito ang paggawa ng content. Ni minsan hindi niya ito binawalan sa pagiging content creator sa mga social media platforms dahil masaya ito sa kasikatan na nakukuha pero ngayon ay hindi niya maiwasan mainis sa nakikitang ginagawa nito. Kung siya nga na nag-aalala kay Jaxon ay hindi na muna inisip ang anak sa ospital tutal sabi naman ay maayos na ang lagay nito, tapos itong si Jessa ay mas binibigyan pa ng importansya ang mga followers kaysa sa kasal nila. Hindi nakatiis na nilapitan ni Bryce si Jessa. “Love, mamaya na ‘yan, please…” pakiusap niya. Nanlilisik ang mga mata ni Jessa na tumingin kay Bryce. “Sinungaling si Austin, Bryce!” paanas na asik niya dahil ayaw niyang makuha ang atensyon ng mga bisita. “Hey… What’s wrong with y—”“Ang sabi niya ay may importante siyang pupuntahan na meeting kaya hindi makaka-attend sa kasal natin, ‘di ba?!” patuloy ni Jessa. “He’s
Tinanaw ni Harrison ang sports car na nakaparada sa unahan. Hindi sa kaniya iyon, kay Nikias at pinagamit lang sa kaniya dahil sa utos nito. Kararating niya lang kahapon galing Spain at si Mathias ang sumundo sa kaniya sa airport. Akala niya nga ay si Mathias ang makakasama niya sa plano ngayong araw pero agad din itong umalis kagabi dahil may importanteng utos dito si Alguien—ang boss niya na pinsan naman nina Mathias at Nikias.Boss? Oo, boss niya ang mafia patriarch ng Excellante na si Alguien Esposito.Nakakatawang isipin na siya na dating CEO ng bangkong pag-aari ay nagtatrabaho na ngayon sa isang mafioso para sa kondisyon na tutulungan siya nitong mabawi ang lahat ng minana niya sa ama. Napatiim-bagang si Mathias sa lahat ng pinagdaanan niya. Hindi niya papasukin ang magulong buhay kung hindi dahil sa ginawa sa kaniya ni Jessa. Thinking of Jessa and recalling the fear in her eyes made him smirk dangerously. Ang akala talaga yata ni Jessa ay patay na siya. Matagal na rin mula noo
Twenty minutes ago…“Where’s Jaxon?” tanong ni Bryce sa driver na siyang dapat kasama nina Jaxon at Brody. Nakita niyang dumating si Brody at ang yaya nito pero wala ang anak. Nang lapitan siya ng wedding coordinator at sabihin parating na rin ang bride ay tumango lang siya at muling ibinalik ang atensyon sa driver na assign sa mga bata.“Dinala po sa ospital si Jaxon, Sir Bryce,” imporma ng driver sa amo niyang nakatingin at naghihintay ng sagot. “Ospital?!” gulat na ulit ni Bryce. “Anong nangyari?” Ang pag-aalala ay nasa mukha at boses niya para kay Jaxon. Napatingin muli sa relo para tingnan kung may oras pa para puntahan ang ospital na sinasabi ng driver. “Saang ospital dinala si Jaxon?”Napalingon ang driver sa kasamang yaya ni Brody para ito ang magpaliwanag. Hindi niya rin kasi alam ang eksaktong nangyari at basta sinabi lang sa kaniya kanina na umalis na sila dahil hindi na makaka-attend ng kasal ang panganay na anak ng amo nila dahil sumakit ang tiyan. “Kanina po ay sumakit
Naningkit ang mga mata ni Jessa sa inis sa narinig na kuwento ng driver. Pero nang maalala niya ang sinabi ni Bryce na dahilan kaya hindi raw makakarating si Austin Mulliez ay napangiti siya. Ang sabi ni Bryce na may meeting ang may-ari ng Hotel Tranquil na napaka-importante kaya ibig sabihin ay mali ang nasagap ng driver na dahilan kaya may pa-raffle ang account ng hotel ni Austin. Napakaimportante kaya sabi pa nga ni Bryce ay baka sa ibang bansa magaganap ang meeting kaya hindi makaka-attend sa imbitasyon nila si Austin. With that thought, kung totoo na may pakilalang magaganap sa asawa ng CEO mamaya ay baka naman mga tauhan lang ng hotel ang may pakulo para lang may abangan ang mga followers nila. “Scam ‘to!” nakangising sabi ni Jessa at ibinalik ang phone ng driver. “Hindi po ‘yan scam, ma’am.” Umiling ang driver. Nasa mga mata ang pangungumbinsi sa bride na inihatid na nagsasabi siya ng totoo. “Noong isang linggo nga po, ma’am, ay ganitong oras din nang may nanalo ng isang
Bryce and Jessa’s wedding day…Masayang-masaya si Jessa dahil ang lahat ng gusto niya ay natupad para sa kasal niya kay Bryce. Sa isip ay sikat na naman siya sigurado sa mga social media at siguradong kahit sa TV news ay mababanggit ang pangalan niya. She’s an internet celebrity kaya normal iyon. At ano pa ba ang aasahan sa isang internet celebrity na may pakakasalang guwapo at mayamang CEO ng Almendras Pharma? Of course, siya na naman ang kaiinggitan ng mga netizens na walang magawa sa buhay kundi abangan ang mga ganap niya sa buhay. “Ang ganda mo, Mommy!” namimilog ang mga matang wika ni Brody sa ina. “Syempre,” tugon ni Jessa sabay ngiti ng ubod-tamis. “Kailangan si mommy talaga ang maganda kasi ako ang bride. Dapat pangalan ko ang maging trending sa lahat ng socmed ngayong araw. My wedding with your Daddy Bryce should be the envy of all women.” Sa daming trending sa internet nowadays ay kailangan ni Jessa ng magandang content para malipat sa kaniya ang atensyon ng marami. At an