°Rasselle Magkasama kami ngayon ni Rage dito sa sarili niyang Penthouse. Hindi ko akalain na pag aari pala ng kumag na ito ang condominiums dito sa City ng Vancouver. Kung alam ko lang, sana dito nalang ako tumuloy. Hindi ko lubos maisip na kaya kong muli na tanggapin sa buhay ko si Rage, akala ko hindi kona kaya pa siyang patawarin. Traydor talaga ang puso, pilit ng aking isipan na ipagtabuyan siya, ngunit itong puso ko siya parin ang hinahanap hanap. Sabay namin ninamnam ang niluto niyang almusal naming dalawa. Napakasarap niyang magluto. Kamuntikan ko ng makalimotan ang aking pangalan. Iba talaga kapag inlove, nakakabaliw, simpleng sausage lang naman ang niluto niya, pero kakaiba ang lasa sa akin. Napakasarap. Ang sabi niya, aalis kami ngayon. May pupuntahan daw kaming lugar. Gusto ko sanang humiga lamang maghapon na kayakap siya, kaso inaya niya naman ako, kaya sasama na lang ako sa kanya. "Babe, saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. "Malalaman mo mamaya babe, sa ng
Last Updated : 2025-11-22 Read more