••••Rasselle "Pasensya na Liam, maiwan mona kita dito ha! Sasama lang ako sa isang taong nababaliw at kampon ni Satanas, ay mali pala. Siya pala si Haring Satanas. Pasensya na talaga!" Hingi kong paumanhin kay Liam, pinapakalma ko lamang ang aking sarili, dahil ayaw kong sumabog dito sa harapan ng aking kaibigan, baka matakot siya sa akin kapag binugahan ko ng apoy si Rage kapag naubos ang pasensya ko sa kanya. "Ayos lang Rasselle. Sumama kana sa kanya, panahon na seguro na mag usap kayong dalawa para maliwanagan na kayo. Kung ano naba talaga ang status ninyong dalawa, kung kayo parin ba o handa mona siyang patawarin at tanggapin muli saiyong buhay." Sabi ni Liam. Ngumiti ako sa kanya, at yayakapin ko pa sana ang aking kaibigan na si Liam ng tawagin ako ni Haring Satanas. "Tama na yan, masakit sa mata!" Naipikit kona lang ang aking mga mata, at pilit na pinapakalma parin ang aking sarili. "Sege, na Rasselle! Hindi na makapag hintay ang ex boyfriend mo." Pagtataboy na sa akin
Terakhir Diperbarui : 2025-11-02 Baca selengkapnya