Natahimik ang buong sala. Ang tanging naririnig nila ay ang mahinang tik-tak ng orasan sa dingding, bawat segundo’y tila mabigat na paalala ng mga salitang hindi na mababawi. Pinagmasdan ni Diana ang mga alahas sa kanyang mga kamay, isang pares ng hikaw, isang bracelet, at isang necklace na kumikislap sa ilalim ng ilaw ng lampara. Sa likod ng bawat kislap, naalala niya ang mga sugat na iniwan ng nakaraan, mga salitang binitiwan ni Jeremy noon, ang mga gabing mag-isa siyang nagpalaki kay Justin, at ang bigat ng pagkawasak ng kanilang pagsasama.“Hindi ako madaling mabili ng mga regalo, Jeremy,” mahina niyang sabi, halos pabulong. “Hindi rin nito kayang burahin ang lahat ng ginawa mo.”Bahagyang tumango si Jeremy, tila ba inaasahan na niya ang ganitong sagot. “I’m not asking you to forget,” mahinahon niyang tugon, ngunit ramdam ni Diana ang bahagyang panginginig sa boses nito. “I’m just asking for another chance, to prove myself. To prove that I can be better, for you… for Justin.”Nagt
Last Updated : 2025-02-24 Read more