Muling tumahimik ang sasakyan. Hanggang sa maramdaman ni Diana na unti-unting bumagal ang takbo. Paglingon niya, tanaw na niya ang gate ng bahay nila, ang bahay na minsan ay kung saan niya minahal ng lubos si Jeremy noon.Tumigil ang sasakyan sa driveway. Ilang segundo rin silang hindi gumalaw, hanggang sa marahang bumuntong-hininga si Jeremy. Lumabas siya ng kotse, saka binuksan ang pinto sa likuran. Maingat niyang binuhat si Justin, na mahimbing nang natutulog, yakap pa rin ang laruan. Dahan-dahan niyang dinala ang bata papasok ng bahay, at sumunod si Diana, tahimik lang, nakamasid sa bawat galaw ng lalaki.“Goodnight, champ,” bulong ni Jeremy sa noo ng anak, bago marahang ibinaba si Justin sa kama nito. Pinagmasdan niya muna ito, parang gusto pang manatili ro’n, bago siya tumayo.Paglingon niya, nandoon si Diana sa may pinto ng sala, nakatayo, hawak pa ang bag. Nakatingin lang siya kay Jeremy, at ilang sandaling walang nagsalita sa kanila. Ang katahimikan ay parang makapal na hangin
Terakhir Diperbarui : 2025-02-24 Baca selengkapnya