Pagpasok ni Paula sa unit niya nang gabing ‘yon, hindi agad siya nakagalaw. Nakatayo lang siya sa may pintuan, hawak pa rin ang handbag, habang umiikot sa isip niya ang huling sinabi ni Akihiro.“Don’t assume it’s just about the drink.”Hindi siya sanay malito. Laging klaro sa kanya ang plano, ang galaw, ang objective. Pero ngayon, may kalituhan—hindi dahil sa hindi niya naiintindihan ang mga nangyayari, kundi dahil ayaw niya agad aminin na naiintindihan niya.Ano nga bang laro ‘to, Conjuangco?Napalunok siya habang ibinaba ang bag at nagsimulang magbihis. Naka-tank top at lounge shorts na siya nang maupo sa sofa, bitbit ang phone, pero hindi nagbubukas ng kahit anong app. Gusto niyang i-message si Bela, magbiro tungkol sa impromptu coffee run… pero may pumipigil. Parang ayaw niyang gawing biro ‘yung gabing ‘yon.Dahil alam niyang hindi na lang ‘to tungkol sa trabaho.Kinabukasan, bumalik si Paula sa dating rhythm—professional, calm, sharp. Walang kahit anong traces ng personal moment
Last Updated : 2025-04-21 Read more