Nagisip sandali si Soffie bago muling magsalita. "Ah, pagdating ng padala kong pera, pumunta ka nga sa Mercury Drug, 'yung 24-oras doon sa bayan. Ipamili mo ako ng mga gamit ng bata, alam mo na, 'yung pang bagong panganak: feeding bottles, pacifier, gatas, diaper, sabon, alkohol at kung ano-ano pa. Ah, bumili ka na rin ng ilang pakete ng cup noodles at kung merong tinapay at palaman." "Sige, teka, magwi-withdraw muna ako." "Makinig ka, iiwan mo sa pinto ko ang grocery ha, wala dapat makakita sa'yo. Basta iwan mo sa pinto at umuwi ka na." sabi niya. "Bakit?" litong tanong ng lalaki. "Ang dami mong tanong, basta nga!" nagalit-galitan si Soffie at ibinaba na ang telepono, saka nag-scroll sa kanyang bank account at nagpadala ng pera sa account ng kausap. Pagkatapos ibaba ang telepono, pumasok si Soffie ng banyo at inalis ang silicone na tiyan na suot niya. Mabigat na rin ito dahil kailangang mukhang nasa pitong buwan na ang batang kunwari ay edad ng ipinagbubuntis niya. "Sh*t! M
Huling Na-update : 2025-08-06 Magbasa pa