"Ma'am, hindi po ako nagmamarunong, pero trabaho ko pong pangalagaan ang bata, 'di ba? Madalas po kapag nawala ang lagnat ng anak niyo, hindi niyo na dinadala sa ospital, kaya pabalik-balik pa rin ang lagnat, Ma'am, dahil hindi nalalapatan ng tamang gamot. Baka po may impeksyon ang bata, kaya pabalik-balik ang lagnat, nakakatakot na po dahil mag-aanim na buwan nang ganito," sabi ng yaya na sinadyang Pinay ajg kinuha para madaling makausapat hindi mahirapan si Soffie. "Tse! Masyado kang nagmamarunong, magaling ka 'di ba, pwes dalhin mo sa doktor bukas, bahala ka, aalis bukas, may lakad kami ng kaibigan ko kaya dalhin mo mag-isa, okay na? Shut up na!" inis na sabi ni Soffie at lumabas ng silid. "Ma'am, dapat po kasama kayo kasi kayo ang nanay!" "Aalis nga ako 'di ba? Hindi ko pwedeng ipagpaliban 'yun, 'no. Saka 'yang bibig mo, itikom mo kapag kausap ang Sir mo, tandaan mo 'yan. Malilintikan ka." sabi ni Soffie at umalis na. "Grabeng nanay 'yun, hayop sa ugali. Parang hindi niya ana
Huling Na-update : 2025-08-22 Magbasa pa