Samantala, sa bahay, nakaupo si Vivian sa gitna ng kaguluhan. Nagkalat ang mga basag na plorera, nabaligtad na upuan, at nalaglag na mga larawan sa sahig. Hinihingal siya, dama ang bigat ng galit na hindi maibsan. Nakaharap niya si Craig, tahimik lang na nakatayo, tinatanggap ang bawat salitang isinisigaw niya.“Umalis ka na!” bulyaw ni Vivian, nanginginig ang balikat. “Hindi kita kailangan dito. Ayokong makita ang mukha mo!”Ngunit nanatiling kalmado si Craig. Hindi siya gumalaw, hindi rin siya tumingin sa kanya. Ang ulo niya’y bahagyang nakatungo, at ang tinig niya’y banayad ngunit matatag. “Hindi ako aalis,” aniya. “Ipinadala ako ni President Beauch para bantayan ka. Hangga’t hindi siya ang nagsasabing umalis ako, mananatili ako.”Napatingin si Vivian, ang mga mata’y nagliliyab sa galit at hinanakit. “Bodyguard ka raw ng presidente?” Napatawa siya ng mapait. “Bakit ka nga ba nasa kama ko, ha? Anong klase kang tao, Craig? Nakakadiri ka. Galit na galit ako sa’yo!”Bigla niyang sinugo
Terakhir Diperbarui : 2025-06-06 Baca selengkapnya