HUXLEYHindi ko mapigilang ma-badtrip habang iniiisip ko na magkasama ngayon sina kuya at si Miss Guevarra. Kahit anong pilit kong mapawi ang inis ko, hindi ko talaga kaya. Hindi ko maiwasang mag-overthink na baka nagkabalikan na sila.Tahimik lang ako habang kumakain. Nakayuko lang ako sa tray, sinusundot-sundot ng tinidor ang manok na parang ito ang may kasalanan. Naririnig ko ang halakhakan nila Lyza, Eduard, at Sabrina sa kabilang side ng mahabang mesa, pero hindi ko sila pinapansin."Dude, are you okay?" untag sa akin ni Lyza, may halong pag-aalala ang tono ng boses niya. Napatingin ako sa kanya—doon ko lang napansin na kanina pa pala siya nagtatanong, pero hindi ko siya naririnig. Sobrang lutang ko na pala."Okay lang, Lyza," matipid kong sagot, sabay subo ng kanin kahit wala akong gana."Uhm... I guess, you're not okay. What's wrong?" muling tanong niya, ngayon ay bahagya nang nakakunot ang noo niya."I said, I'm fine. Pagod lang siguro ako," mabilis kong sagot. Napansin kong me
Terakhir Diperbarui : 2025-04-21 Baca selengkapnya