JENINEIkalawang araw ng pamamalagi ko sa ospital at medyo okay na ako, lalo na't nandito si Huxley at hindi umaalis sa tabi ko. "Babe, gusto ko ng lumabas ng ospital. Nami-miss ko na si Liam, eh." Sabi ko, nang minsang magkasarilinan kaming dalawa."Bukas ka pa pauuwiin ng doktor, babe. Kaya tiisin mo nalang muna okay? Anyway, inaalagaan naman ng mabuti ng Nanay mo ang anak natin, kaya walang dapat ipag-alala. Besides, naroon din naman sina Anna at Ronnel di ba?"Marahan akong tumango.Mayamaya, bumukas ang pinto at bumungad ang mukha Leslie."Besh!" Aniya at mabilis na sinugod niya ako ng yakap. "I miss you, besh.""Naku, nag-alala ako sa 'yo, no'ng tumawag si Anna at sinabing naospital ka raw. Pasensya na at ngayon lang ako nakadalaw. Kakauwi ko lang galing Baguio. Ako ang inatasan ni sir Salcedo na umatend ng seminar." Aniya at napatingin kay Huxley. "Hi, Huxley.""Hello Ma'am." "Hays, nalulungkot talaga ako sa inyong dalawa." Aniya at ibinalik ang tingin sa akin. "Ikinuwento s
Read more