JENINE"Ma'am, salamat ha at pinagbigyan niyo kami," wika ni Marco matapos kaming kumain. "At saka thank you din dahil hindi ka na galit sa amin.""Okay lang 'yon Marco, walang anuman," sagot ko."Sige Ma'am, sa student hub muna kami," wika ni Huxley."Okay, pupunta din naman ako ng faculty room at may kailangan pa akong gawin. Oo nga pala...thanks sa paglibre niyo sa akin sa lunch.""Wala 'yon Ma'am, kami pa nga ang dapat na magpasalamat sa inyo eh, dahil hindi ka na galit sa amin," sabat naman ni Sabrina.Bahagya ko lang silang nginitian and after a while, we go on separate ways.Pagkaupo ko sa couch ng faculty room, napabuntong-hininga ako. Tahimik ang paligid, at sa unang pagkakataon ngayong araw, ramdam ko ang katahimikan hindi lang sa paligid—kundi pati sa loob ko.Hindi ko inaakalang mapagbigyan ko sila... paulit-ulit na umuukit sa isip ko ang linyang 'yon.Sa dami ng pinagdaanan ko nitong mga nakaraang linggo—ang stress, ang pressure, at ang sama ng loob na iniwan ng mga estud
Terakhir Diperbarui : 2025-04-25 Baca selengkapnya