Chapter 154: Mahigpit na pagkapit ang ginawa niya sa rosaryo habang ang imahe ng pamilya niyang pinangakuan niya na babalik siya nang ligtas at buhay ay patuloy sa pagtakbo sa kaniyang isipan. “Bakit, Ryllander? Masakit ba, ha?! Talk, Ryllander! Sabihin mo kung ano ang gusto mong sabihin at ako na lang ang magrerelay nito sa pamilya mo. That is how thoughtful I am, Callares!”Mabigat na ang magkabilang talukap ng kaniyang mga mata. Batid niyang malakas ang boses ni James, subalit para bang bulong na lamang ang dating nito sa kaniya. May iba pang winika si James, ngunit pagbuka na lamang ng bibig nito ang nakita niya. Mainit at sariwang dugo ang dumaloy sa sahig kung saan siya nakahiga. Nakikipaglaban sa gitna ng buhay at kamatayan. Halos tuluyan na siyang walang marinig. Nakaramdam ng pamamanhid, bigat, at pagod ang kaniyang katawan. May malakas na tunog ng hinampas na kampana ang narinig niya sa kaniyang isipan.Mayamaya ay nakita niya sa malabong bisyon niya kung paano nabitawan
Last Updated : 2025-09-03 Read more