Chapter 132:Daig niya pa ang isang preso na bagong laya. Nang makarating sila sa mansiyon ay halos hindi na siya makaupo agad dahil sa mga yakap na binigay ng mga dating katrabaho niya. “Ang aming Lila! Bumalik ka na nga talaga,” naiiyak na wika ni Aling Lordes. “Hindi lang siya bumalik, Lordes! May dala pa siyang dalawang guwapong mga bata.” Si Mang Topeng naman at agad na kinarga ang kambal. “Masaya ako na makita kayong muli! Higit limang taon ang huli nating pagkikita.”“At sana ay wala nang aalis nang walang paalam!”Lumingon siya kay Karl, ang driver na palagi niyang kasama noon sa pamilihan. “Masaya ako, Lila, at ikaw ay muling bumalik dito.”Tumikhim si Ryllander. Tumingin sila sa lalaki na nakahalukipkip at nakataas ang kabilang kilay.“Baka puwedeng ibigay niyo muna sa akin ang panahon ni Lila?” “Hays! Seloso mo talaga, Sir!”Nagtawanan sila. “Karl, iakyat mo ang mga maleta ng mga bata sa kanilang kuwarto. Lordes, please bring my kids to their room.”“Daddy, kayo po ni
Terakhir Diperbarui : 2025-07-03 Baca selengkapnya