Chapter 0128 Pagkalipas ng ilang oras ng kwentuhan, tawanan, at pag-aalala sa mga bata na nagtatakbuhan sa paligid, ay dumating na rin ang oras ng aming pamamaalam. “Luke, Wen, paalis na kami. Tinawagan ko na ang driver kanina, parating na siya,” sabi ko habang inaayos ang bag ng kambal. “Sayang, ang bilis ng oras,” ani Rowena. Lumapit si Merlyn kay Rowena at niyakap ito ng mahigpit. “Mag-iingat kayo palagi. At kung kailangan niyo kami, alam niyo kung saan kami matatagpuan.” “Maraming salamat talaga, Merlyn. Hindi ko alam kung paano ko kayo mapapasalamatan ng sapat,” sagot ni Rowena, bakas sa boses niya ang emosyon. Lumapit si Luke sa akin at inabot ang kamay ko. “Cris, salamat sa lahat. Sa suporta mo, sa pagtanggap, sa kabutihan mo. Hinding-hindi ko makakalimutan ito.” Matapos kaming magpaalam, tinawag ko si Mila. “Anak, halika na. Parating na si Manong Ruel.” “Po, Daddy!” sabay takbo nito pabalik sa amin habang may bitbit pang maliit na basket ng mangga. “Para kay
Terakhir Diperbarui : 2025-07-31 Baca selengkapnya