Chapter 0142 Pag-upo namin sa hapagkainan ay agad nang nag-unahan ang kambal sa mga ulam. "Ate, para sa’yo ’tong malaking hipon!" sabi ni Liam sabay lagay sa plato ko. "Teka lang, bakit parang binigyan mo si Ate parang gusto mo ring makakain ng hipon ah," biro ni Amara na ikinatawa namin lahat. "Hahaha! O ayan na, nagsimula na naman ang debate ng kambal," natatawang sabi ni Daddy habang naglalagay ng kanin sa plato ni Mommy. "Huwag na kayong mag-away. Mila, ikaw na lang magsalita. Sabihin mo sa kanila na hindi kayo sa pagkain nagiging espesyal kundi sa puso," ani ni Mommy na may halong biro at lambing. Umirap ako nang may ngiti. "Naku, Mommy, parang graduation speech ah. Pero sige—Twins, kahit hindi hipon, kahit sardinas lang, basta kasama ko kayo, espesyal na rin." "Awww! Ang cheesy ni Ate!" sabay na sigaw ng kambal sabay nagtawanan. "Cheesy? Ewan ko sa inyo. Basta kumain na kayo nang marami. Lalo ka na, Mila, kailangan mong lumakas. Marami pang laban sa business world
Last Updated : 2025-08-19 Read more