Nagising siyang mabigat ang ulo, parang may martilyong paulit-ulit na tumatama sa sentido niya. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata, agad na sinalubong ng madilim at hindi pamilyar na paligid.“Nasaan ako?” tanong niya habang hinihilot ang noo. Pilit niyang inaalala kung paano siya nakapunta sa lugar na iyon.Isang silid iyon, malinis at malamig. Puting ang pader, makintab na sahig, at iisang ilaw lang sa kisame. Nakaupo siya sa isang upuang may sandalan, at doon niya napagtantong nakatali ang mga kamay at paa niya.“You're already awake...”Nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang pamilyar na boses… si William!Nakatayo ito sa harap niya, hawak ang isang baso ng alak. Doon niya naalala na pinaamoy pala siya nito ng panyong may gamot kaya siya nawalan ng malay.“W-what do you want?” nanginginig niyang tanong. Sinubukan niyang igalaw ang mga kamay, pero mas lalo lang sumikip ang tali. Napangiwi siya sa sakit, siguradong magkakasugat na siya doon.Ngumiti si William, yung ngiting
Terakhir Diperbarui : 2026-01-01 Baca selengkapnya